Pasyal

Ebe Dancel

Isang araw tayo'y namasyal
Upang pagod natin matanggal
Kailangan nating maaliw
Bago tayo tuluyang mabaliw

Nagawi tayo sa may dagat
At sa ating pagmamasid
Biglang may batang sumisid
At tayo'y nabigla dahil buong akala malalim ang dagat
Mababaw lang pala

Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang nating malaman
Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan

Nagawi tayo sa isang tabi
May aleng naglalako ng cotton candy
Sarap titigan sarap kainin pero pag kinagatan
Parang wala palang laman

Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang nating malaman
Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan
Mapupuntahan
Ah ha ha

Naakit at napabili tayo ng lobo
At di sinasadyang nabitawan
Di man lang natin hinabol
Hinayaang lumipad hanggang mawala
Hanggang makalimutan na natin
Kung bakit nga ba tayo naakit

Hanggang mapagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
At huli na nang ating malaman
Wala na pala tayong ibang mapupuntahan
Mapupuntahan
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang

Isang araw tayo'y namasyal
Upang pagod natin matanggal

Wissenswertes über das Lied Pasyal von Sugarfree

Wann wurde das Lied “Pasyal” von Sugarfree veröffentlicht?
Das Lied Pasyal wurde im Jahr 2009, auf dem Album “Tala-Arawan” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Pasyal” von Sugarfree komponiert?
Das Lied “Pasyal” von Sugarfree wurde von Ebe Dancel komponiert.

Beliebteste Lieder von Sugarfree

Andere Künstler von Pop rock