Wala Nang Hihilingin
Kung gisingin kita ngayon
Baka bigla kang maahon
Sa dagat ng iyong kapayapaan
Habang nakatigil pa ang iyong mundo
Unan ay panlaban sa gulo
Sinisugurong walang gagalaw sa'yo
Kung gabi-gabi matulog ka sa 'king tabi
Di mo lang alam dala mo'y ligaya
Kung marinig mo ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ika'y kapiling
Wala na akong hihilingin
At kung bigla kang di mapakali
Kung pwede lang ako'y mekaniko
At panaginip mo ay kotseng aayusin ko
Kung maari lang kumutan ka
Sa ano mang bagyong nagbabadya
Walang laban ang lamig sa init ng ating pag-ibig
Kung gabi-gabi matulog ka sa 'king tabi
Di mo lang alam dala mo'y ligaya
Kung marinig mo ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ika'y kapiling
Wala na akong hihilingin
Oh oh oh
Kung gabi-gabi matulog ka sa 'king tabi
Di mo lang alam dala mo'y ligaya
Kung marinig mo ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ika'y kapiling
Wala na akong hihilingin
Hihilingin
Hihilingin