Ngayon At Bukas

Ngayon ang pag-ibig ko ay iyong-iyo
Walang pagbabago hanggang sa wakas
Isipin mo lamang ako ay narito
Nagbibigay ligaya ngayon at bukas

Ikaw kaya ay totohanan
Hindi kaya ako'y iiwanan
Pangako mo sa akin ako'y mamahalin
Wala ka ng ibang iibigin pa

Ligaya sa buhay ang makapiling ka
Sumisigla ang puso pag narito ka
Hindi ko malaman ang sasabihin pa
Basta ikaw ay akin ngayon at bukas

Ikaw kaya ay totohanan
Hindi kaya ako'y iiwanan
Pangako mo sa akin ako'y mamahalin
Nagbibigay ligaya ngayon at bukas

Ikaw kaya ay totohanan
Hindi kaya ako'y iiwanan
Pangako mo sa akin ako'y mamahalin
Nagbibigay ligaya ngayon at bukas

Beliebteste Lieder von Cinderella

Andere Künstler von Hard rock