Dahilan
Nakatungo
Nababagabag
Naghihintay sa pagsilip ng buwan
At may sinusundo
Ang alaala mo
Pauwi sa tahanang gawa-gawa
Wala na ring silbi
Pintig na unti-unting humihinahon
Bigyan mo ako ng dahilan
Dumudulas na mga kamay
Sa dinami-rami ng pinagdaanan
Hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan
Ano na nga ba
Ang nangyayari
Tinatanong ang sarili
Hindi malaman-laman
Ang sasabihin
Kinakain na lang ng mga letra
Pilit na binibigkas
Pilit na binibigkas
Bigyan mo ako ng dahilan
Dumudulas na mga kamay
Sa dinami-rami ng pinagdaanan
Hindi ko maintindhan
Hindi ko maintindihan
Konti na lang ako ay bibitaw
Konti na lang ako ay bibitaw
Ikaw kathang isip na lang
Ikaw kathang isip na lang
Bigyan mo ako ng dahilan
Dumudulas na mga kamay
Sa dinami-rami ng pinagdaanan
Hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan
Bigyan mo ako ng dahilan
Dumudulas na mga kamay
Sa dinami-rami ng pinagdaanan
Hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan oh oh oh oh oh oh