Hanggang Wala Nang Bukas [Heneral Luna Movie Theme Song]

Oh oh

Ikaw ang tahanan ng aking puso
Ang puno't dulo ng buhay ko
Mangangarap hanggang makakayanan
Mananaginip hanggang kamatayan
Hangga't maari iiwas sa dahas
Ngunit kung kailangan
Buhay ko ma'y kabayaran

Para makita kang malaya
At umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong itong ligtas sa takot
At gulo ang makita kang malaya
Ang nag-iisang panata yayakapin
Mamahalin kita
Hanggang wala nang bukas (oh)

Magtagumpay man o ikamatay
Hahagkan ang gabing walang katiyakan (oh)
Ito ang pinili kong buhay
Ibigin kang buo at tunay
Hangga't maari iiwas sa dahas
Ngunit kung kailangan
Buhay ko ma'y kabayaran

Para makita kang malaya
At umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong itong ligtas sa takot
At gulo ang makita kang malaya
Ang nag-iisang panata yayakapin
Mamahalin kita
Hanggang wala nang bukas

Hanggang sa huli ako'y nasa iyong tabi
Hanggang sa muli pangalan mo pa rin sa ating mga labi

Ang makita kang malaya at umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong itong
Ligtas sa takot at gulo ang makita kang malaya
Ang nag-iisang panata yayakapin mamahalin kita
Hanggang wala nang bukas (mamahalin kita)
Hanggang wala nang bukas (mamahalin kita)
Hanggang wala nang bukas

Beliebteste Lieder von Ebe Dancel

Andere Künstler von Pop rock