Ikaw Ang Aking Tahanan

VINCENT FERDINAND DANCEL

Gabi at umaga ang agwat nating dalawa
Sa pagitan ay mga bit'wing tila kulang ng ningning
Nagsusumikap nagpapakahirap
'Di makatulog ng mahimbing sa kamang hindi akin

Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw pa rin ikaw lamang ang aking tahanan ('di mo lang alam)

Tinitiis ang lamig alang-alang sa pag-ibig
'Di madali ang buhay na pinili para sa'kin ng tadhana
Ngunit ngayong gabi ang tanging nais lamang
Ay humiga sa iyong tabi 'wag sa kamang hindi akin

Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang ang aking tahanan oh
Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang aking tahanan
Malayo man ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Malayo man ikaw parin ikaw lamang ang aking tahanan
Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan
Ikaw lamang ang nag-iisang tahanan (tanging ikaw lang)

Wissenswertes über das Lied Ikaw Ang Aking Tahanan von Ebe Dancel

Wann wurde das Lied “Ikaw Ang Aking Tahanan” von Ebe Dancel veröffentlicht?
Das Lied Ikaw Ang Aking Tahanan wurde im Jahr 2012, auf dem Album “Dalawang Mukha ng Pag-ibig” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Ikaw Ang Aking Tahanan” von Ebe Dancel komponiert?
Das Lied “Ikaw Ang Aking Tahanan” von Ebe Dancel wurde von VINCENT FERDINAND DANCEL komponiert.

Beliebteste Lieder von Ebe Dancel

Andere Künstler von Pop rock