Luha
Halos wala nang makita nung naghalo ang tubig at luha
Isang milyong damdamin ay lumalangoy na at ako'y walang magawa
Patuloy ang daloy ng lungkot at dusa
Ang bukas puno ng duda
Sa iiwanang bakas ako'y walang kalaban-laban
'Di na matanaw ang lupa kahapon ko'y inanod na ng luha
Isang milyong pangarap ay nalunod at ako'y walang magawa
Patuloy ang daloy ng lungkot at dusa
Ang bukas puno ng duda
Sa iiwanang bakas ako'y walang kalaban-laban
Walang kalaban-laban
Parang kay layo pa ng umaga
Lulutang ba siya sa dagat ng luha
Isang milyong puso'y saan na pupulutin
Kung tayo'y walang magawa
Patuloy ang daloy ng lungkot at dusa
Ang bukas puno ng duda
Sa iiwanang bakas ako'y walang kalaban-laban