Alalay Ng Hari

Gloc-9

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

Tandaan mo
Kahit ano
Man ang mangyari ay utang ko
Ang palakpakan at respesto nyo
Kapag hawak ang tumutunog na mikropono
Kableng nakapulupot
Sa kamay para di mahugot
Ay parang wallet sa snatcher ako ang mandurukot
Mga linya kong sinulat
Ginamit ang panulat
Nagsimulang mag-ulat
Ang lahat ay nagulat
Sa kanya nanggagaling mula sa itaas
Ngunit sayo pinaabot ikaw ang nagbukas
Sa akin ay nagturo ipunin ang katas
At kung pano di matibo sa masukal na landas
Sa tuwing ika’y kausap ako’y nahihiya
Parang nananaginip ako’y tuwang-tuwa
Kaya sa gabi ako’y palaging nakatingala
Kasi pwede palang maging sigurado ang baka’
Sabay sa entablado
Ang lahat ay ganado
Ikaw rin ang nagpasakay sakin sa eroplano
Kahit sabihin ng iba na ako ay dehado
Pero dahil sayo ay matagal na kong panalo

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

First year high school sa Morong Rizal
Hindi ka ba nahihiya medyo makapal
Daw ang aking mukha bakit ka ba laging kasali
Nagbabaka sakali na hindi matanggal
Kasi nung araw doon sa amin ay di pa masyadong
Maraming rapper ang mapapakinggan mo sa radio
Kasi siguro’y naiiba pa noon ang uso
Ngunit lahat ng kanta mo ay aking kabisado
Pagcold summer nights ay napapraning
Meron akong ano na di bading ang dating
Silang mga ubos biyaya na laging lasing
Mga nilamon ng sistema na andyan pa rin
Gabulok ang nangangamoy kahit dumaan sa contest
Sinong kumain ng isang kilong mahiwagang kamote
Kaya mga kababayan ito ang gusto ko
Hindi ka dapat mahiya kahit ilong mo ay pango
Kasi tayo’y mga pinoy ano man ang mangyari
May man from Manila na palaging magsasabing
One can’t talk peace if you have a gun
Handa ka bang ipaglaban ang 3 stars and a sun

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

Kahit ano pa man
Sabihin ng iba
Ika’y nag-iisa
At ako ang iyong tagahanga
Di ko lubos maisip
Nagbago na ang tinig
Nang ikaw ay mawala
Dumami ang nagpupumilit

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay

Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako’y iyong alalay alalay alalay alalay

Wissenswertes über das Lied Alalay Ng Hari von Gloc-9

Wann wurde das Lied “Alalay Ng Hari” von Gloc-9 veröffentlicht?
Das Lied Alalay Ng Hari wurde im Jahr 2012, auf dem Album “MKNM (Mga Kwento Ng Makata)” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score