Aristotle Pollisco
Ang awit kong ito'y alay ko sa’yo
upang malaman mo
ang tunay na pangalan ko
Ang awit kong ito'y alay ko sa’yo
upang malaman mo
ang tunay na pangalan ko'y
Aristotle Pollisco, ‘yan ang pangalan ko
Aristotle Pollisco, ang tunay na pangalan ko'y
Aristotle Pollisco, ‘yan ang pangalan ko
Aristotle Pollisco, makinig ka sa sasabihin ko
Ako’y isang batang taga Binangonan Rizal
Bahay nami’y malapit sa tindahan ng pandesal
Pagpasok sa eskwela dibdibang pag-aaral
Hindi batid ng lahat ay palagi nag darasal
Upang maging isang mang aawit
at makahawak ng mikropono
Luha at pawis ang aking gamit
upang abutin ang pangarap ko
Hanggang isang araw ay aking hinawakan
ang lapis at ang papel
Agad na nagkaroon ng ibang kahulugan
ang pangalan kong Aristotle
Na tila ba ang mga nauna sakin
na makata na ‘di naman bihasa
Na para bang mga galunggong sa palengke
Na ‘di mabili kasi nga bilasa
Binabalak mong ako’y magapi,
kaibigan wag kang magatubili
Pero kapag naririnig mga banat mo
‘di malaman kung makikiliti
Inuulit ko pakigalingan mo
baka panglima ko na ‘di ka pa maka isa
Para bang mga bala na binibitawan ang mga kalaban
Di malaman magagawan sa pag-aasam
Teka ako muna ang babanat bago ka tuluyan na mag salita
Bunutin mo muna yang plug ng mikropono
baka pwede mo munang ibaba saki’y makinig
‘Di ko malaman ang iyong dahilan
kung saan ba talaga pinagmulan
Mga galit na ‘yong nararamdamn
medyo malabo dahil ‘di mo nmn ako kilala
Puro nalang sabi ng sabi sinungaling mong labi
Mga salitang hinahabi simula ng ako’y mag hari
Dahil sa ‘di mo ba talaga ma, sabayan ang mga salita na
Sinulat ayaw kapag may iba, inggit ka siguro aminin mo na
Wag kang manira ng tao
dahil alam mo siya ngayon ang naroon sa taas
Wag punahin ang putik sa paa ng iba
dahil baka ikaw ang madulas
Sige tingnan mo isipin mo kung meron kang naitulong
kung bakit narito kami ngayon?
Kaya ka nga lang namin nakikita
ay dahil marunong parin naman kaming
lumingon sa pinanggalingan.