Bakit?

Mike Villegas, Gloc-9

bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan
bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan

nang una kitang makita sa may ermita
hindi ko na namalayan kung bakit
na para bang ako'y naakit
ng ika'y lumapit
tinanong ko ang iyong pangalan at ang yong telepono
pero sabi mo
di mo kinakausap ang mga tulad kong walang pera
walng kotse't di doble doble ang cell
pero teka muna miss
wag kang mabilis lumakad
di naman ako manyakis
at walang labis, walang kulang
ang sinukli ko sayo
balot! eto pa cge, dalhin mo na lang sa inyo
kahit na wala akong kitain, walang makain
basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin
ang ikaw ay mapaglingkuran at mapagsilbihan
ipagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan

bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan
bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan

sa loob ng aking kwarto
o sa loob ng aking banyo
kung alam mo lang ang dami ng mga litrato
inunan ko pa sa may kanto at pinakuwadro ko pa
nang sa gaoon ay lagi tayong magkasama
araw man o gabi kahit sandali
sa hirap man o ginhawa ikaw at ako magpakailanman
na para bang mga palabas sa sine
alam mo na para bang imposible
pero pwede ka bang mailibre sa kanto
ng lugaw, palamig, siomai o siopao
baka pwede wag kang masyadong matakaw
sige na nga pero pwede bang dumalaw...
pagmamahal ko sana ay tanggapin mo
pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko

bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan
bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan

siguro naman, ngayon ay nadarama mo na
kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
simula sa laman hanggang sa litid
kailaliman ay sinisisid
pero bakit ginamit puro luha at pasakit
makalipas ang mahabang panahon ng aking pagmamahal
ay napalitan ng galit
nang nakita kita na may kasama kang iba
may dala-dala pa naman akong regalo
matagal kong pinag-ipunan
kinuha ko sa alkansya
naglalakad habang lumuluha tinititigan ang lupa
sinungaling ang mga baraha na tinanong
hindi naman natupad ang kanilang mga hula
wala ng dahilan para mabuhay
naging abo, wala ng kulay
akala ko nung una, tayo ng dalawa
ilang taon din naman kong naghintay
paalam na aking mahal, ako ay di na magtatagal
at tangi ang iyong pagbalik
ang siyang aking ipagdarasal, ipagdarasal...

bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan
bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan

bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan
bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan

bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan
bakit... hinahanap ka...
bakit tinatawag ang iyong pangalan

Wissenswertes über das Lied Bakit? von Gloc-9

Auf welchen Alben wurde das Lied “Bakit?” von Gloc-9 veröffentlicht?
Gloc-9 hat das Lied auf den Alben “Gloc-9” im Jahr 2003 und “G9” im Jahr 2003 veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Bakit?” von Gloc-9 komponiert?
Das Lied “Bakit?” von Gloc-9 wurde von Mike Villegas, Gloc-9 komponiert.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score