B.P.B.
Gusto kong mabulag
Makakitang muli sa mata ng bata
Ngiting puno ng saya
Gusto kong maging bingi
Hugasan lahat ng
Nadinig kong madumi
Mabuti pa ang pipi
Hindi kayang sumugat
Gamit ang binibitawang salita
Gusto kong mabulag..
Palakad-lakad sa kalsada tulak-tulak lagi
Kariton na marupok
Tuyo nang mga labi
Bulag na sa kahirapan kaya ko humahawi
Minu-minuto na dasal daig pang mga pari
Kahit sa tanghaling tapat
Nakalilom sa tabi
Mabasa man ng ulan
Ang malamig na gabi
Piso-pisong iniipon
Kahit gano kadumi
Maipangbili ng bigas
At agad mauwi
Saming barong-barong
Kahit patong-patong
Mga problema’t hamon
Pagkaing kalong-kalong
Ang aking mga supling nakahandang bumangon
Malalim mang palubugin
Ako ay umaahon
Araw-araw na takot nakapikit ang mata
Dito sa sugal nang buhay pang taya lang ay isa
Mga pintuan na sarado ay biglang nag-iiba
Pag tinitigan ang mundo sa kanilang mga mata
Madami ang mahal nagkalat din ang mura
Mga salita na halos kasing lasa ng suka
Hiwain man ng punyal o gamitan man ng bala
Sabi nga nila ang sugat ay mas malala pa
Alin mang dumugo ay tiyak na gagaling
Pero di ang galos na dulot ng
Salitang matalim
Manipis ang telang gamit upang yan ay salagin
Kumot ng pagtingin na
Hindi na puwedeng tahiin
Kaya may mga sandali na gusto kong mabingi
Kasi sobrang lakas ng ingay sa mundo na mapanghi
Mga poste ng panlalait ang laging naka sukli
‘Yan ay maaamoy ng tenga kahit san mo ikubli
Pintas na isang dakot maibato lang sa iba
puna na mas malakas pa sa baril na ikinasa
Mga awiting sintunado ay biglang mag iiba
pakinggan natin ang mundo gamit ang tenga nila
Kaibigan kailan
Mo huling nasilayan ang ganda
Ng mga bituwin
Kaibigan kailan ka huling huminga
Ng malalim
Malalim
At nasabi mo na ba sa kanya
Na mahal mo sya..
Gusto kong mabulag
Makakitang muli sa mata ng bata
Ngiting puno ng saya
Gusto kong maging bingi
Hugasan lahat ng
Nadinig kong madumi
Mabuti pa ang pipi
Hindi kayang sumugat
Gamit ang binibitawang salita
Gusto kong mabulag