Buhay
Lagi kang nangangarap
Lagi mong hinahanap
Kay tagal mong hinihintay
Ang inaasam mong tagumapy
Bagong kotse
Sariling bahay
Maraming pera
Iwas tambay
Ito sagot dyan
Simple lang naman ang buhay
Sipag na may kasabay na husay
Simple lang naman ang buhay
Sipag at tiyaga
Upang may mapala
Simple lang naman
Makinig ka lang
Simpleng simple yan
Gising na tanghali na
Nakatirik na
Araw at biyaya
Ay may naka kuha nang iba
Yan ang laging sinasabi samin ng aking ina
Pag di ka parin bumanong ay tatamaan ka pa
Mag kape ka na
May mainit pa dyang pandesal
At mantikilya
Huwag mong kalimutang mag dasal
Bilisan mo na
Bawas bawasan mo din ang pasyal
Tandaan mo lagi na di ka anak ng opisyal
Hindi kami habang panahon nandito
Sige ka
Baka magaya ka sa iba dito
Di kita
Pinalaking kulang sa sentido
Kumon na
Puwede mong
Gamitin ng pulido
Kasi nga
Masikip lang ang bangka kaya huwag kang malikot
Tiyagain mo sa harap bantayan mo ang likod
Tapos
Tandaan ang buhay kaylan may di deremote
Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote
Sasakay ako ng jeep
Papunta sa cubao
Lilipat sa bus na hindi crossing ibabaw
Bababa don sa ayala
Ingat baka maligaw
Bitbit ang bio data
May larawang dikit na hilaw
Gamit ay kaning lamig
Kung tawagin ay bahaw
Kakainin mo parin
kahit na medyo nilangaw
Puwede na kahit mababa ang sweldong pinataw
Basta matanggap ako sa trabaho ngayong araw
Makisama sa mga
nauna sayo doon
Kahit na kung tratuhin
ka lamang nila ay miron
Basta kung di mataas
Iwasan mong tumalon
Kung walang masasabing mabuti huwag kang tumugon
Masikip lang ang bangka nahuhulog ang malikot
Diinan sa harap pero bantayan mo ang likod
Tapos
Tandaan ang buhay kaylan may di deremote
Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote Ha!