Rap Ka Nga

Gloc-9

Hindi ba’t ikaw yung manunula
Na palaging nasa radyo’t telebisyon
Mahina ang kalaban teka muna
Mga utos mong sa’kin ay obligasyon

Palaging bukangbibig rap ka nga

Labing-anim na taon hindi pwedeng mapikon
Mga paa sa buhangin na palaging nakabaon
Parang tubig sa balon pila ng mga galon
Madami pa akong tugon huwag bitawan ang telon
Itaas ng mabuti punong kakawate
Na may tutubi bubuling hindi mo mahuli-huli
Pwede bang masabi kung pa’nong atake
Alin d’yan ituro mo kasi medyo madami
Ang napakinggan kong tunog simula pa nung
Cd mp3 bihira pa no’n
Nineteen ninety-three bata pa ‘ko no’n
Bolpen na pang-ikot ng cassette bihasa ‘ko do’n
Kahit sinong makabangga tatlo lang ang salita
Marahil iniisip nila na ako’y bihasa
Sa pagsulat ng tula o sa pagsasalita
Palagi nalang wala nang ibang sinasabi kung ‘di (rap ka nga)

Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba’t umiiling
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba’t umiiling
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Rap ka nga
Rap ka nga
Rap ka nga

Kalalabas ko pa lang ng makata
Sumulat na naman ako ng bagong talata
‘Di mahalaga kahit maigsi o mahaba
Huwag kang mahabala kasi ako ang bahala

Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba’t umiiling
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Ang gusto kong sabihin isa lang ano ba ang
Kailangan mo sa’kin ano ang pakinabang
Alam mo na siguro na ‘di lamang puro tapang
‘Di makalakad ba’t ‘di mo subukang gumapang
Tinawid ko ang tulay nagiba
Inabot ko kahit nakahiga
Sinimot ko ang lahat ng tira
Kahit ako ng ‘to at wala ng iba

Sige lang sige lang silaban ang
Ano mang ano mang nakahadlang
Ituwid itagilid tara kapatid
Habulan habulan unahan lang

Sige lang sige lang silaban ang
Ano mang ano mang nakahadlang
Ituwid itagilid tara kapatid
Habulan habulan unahan lang (hey)

Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba’t umiiling
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba’t umiiling
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Rap ka nga
Rap ka nga
Palaging bukang bibig
Rap ka nga

Wissenswertes über das Lied Rap Ka Nga von Gloc-9

Wann wurde das Lied “Rap Ka Nga” von Gloc-9 veröffentlicht?
Das Lied Rap Ka Nga wurde im Jahr 2013, auf dem Album “Liham At Lihim” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score