Rotonda

Gloc-9

Kaliwa man o kanan ang iyong daanan
Iisa lang ang papupuntahan
Hindi 'to hagdanan na may lagasan
Ang lahat ay daraanan na
Parang rotonda lang

Ang tawag nila sa'kin ay Congressman Luplop
Makapangyarihan, palaging nasa tuktok
Kahit magnanakaw ako ay iniluluklok
Kasinungalingan lang ang idinudukdok
Ako ay may asawang ang dating ay parang artista
Mga anak na Atenista't Lasallista
'Di yan mahalaga
Ako ay may problema
Dahil nananaginip
Isa lamang ang istorya
Ako daw ay taga-Lerma
May asawa na si Thelma
Ang aking palayaw ay Boy
Libangan ko ay pusoy
Kamay ko laging may eczema
Sila pala'ng aking mga anak
Nene at totoy na nakayapak
Teka tanghali na pala, medyo nakakatawa
Nagising ako na huli na

Kaliwa man o kanan ang iyong daanan
Iisa lang ang papupuntahan
Hindi 'to hagdanan na may lagasan
Ang lahat ay daraanan na
Parang rotonda lang

Maraming kaugali si Congressman Luplop
'Pag nagalit basta na lamang nanununtok
Ang lahat ng kanyang kayamana'y gabundok
'Pag naunahan sa trapik ay nanunutok
Siya ay may kalaguyo na gustong maging artista
Kung pagmasdan ay elitista
Walang patid na dilema
Sa kanyang panaginip ako ang kanyang asawa
Isang dakilang labandera
Ang pangalan ko ay Thelma
Tawagin mo na nga si Boy
Naglalaro ng pusoy
Baka ipatalo ang pera
Para pagkain ng mga anak
Nene at totoy na umiiyak
May pag-asa pa kaya
Lahat ay naitaya
Sa buhay namin na inukit lang

Kaliwa man o kanan ang iyong daanan
Iisa lang ang papupuntahan
Hindi daw hagdanan lang ang labasan
Ang lahat ay daraanan na
Parang rotonda lang

Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot
Parang rotonda lang
Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot
Parang rotonda lang
Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot
Parang rotonda lang
Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot
Parang rotonda lang

Ganun pa din ang panaginip, na umuulit
Pag huminto ay siguradong may karugtong na guhit
Tuloy-tuloy, hanggang sa aking mabuo
Nang madaanan ang lugar alam kung saan hihinto
Pagtindig ko na parang ako'y taga roon
Pagbili ko may batang may gusto ng pulburon
Sa lugar na masukal at madilim
Mamasa-masang pinto na parang gustong katukin
Ano nga kaya matandang babae nang tumingin
Maluha-luha ako'y sinimula nyang sagutin at tulala kong
Hinahanap mo si Boy, matagal na siyang tinaboy
Pababa sa lupa anim na talampakang kumonoy
Dinukot siya ng pulis sa madaming kadahilanan
Kaso lang sa totoo lang ay ayaw ko malaman
Kahit parang alam ko na
Mahirap ang magtaka
Dahil buhay namin ay di naman nalalayo sa iba
Nakakangawit umasa, nakakapagod mangarap
Mata na parang itim na ulap sa alapaap
Aambon uulan
Hanggang sa mamuo
Paulit-ulit ang eksena
Kahit bago ang yugto
Sa palabas na ang bida ay paghihirap
Pagbuno sa araw-araw na maraming sikmurang kumukulo
Nakulong na si Totoy
Si Nene naman ay bayaran
Tanaw sa bukas ng marami sa ami'y ganito na lang
Lumangoy sa panaghoy
Sa panaghoy ka lumangoy
Bali-baligtarin man na parang baraha sa pusoy
'Di bagay dito ang tisoy
Sarili ko'y tinaboy
Parang napaso ng apoy nang tawagin nya ako na Boy

Maraming bukol sa aking mukha
Na nakaukol at sinasadya
Laging sinasalo ng sanga at dahon ko
Maraming bukol sa aking mukha
Dahil ang puno ko'y hitik

Wissenswertes über das Lied Rotonda von Gloc-9

Wann wurde das Lied “Rotonda” von Gloc-9 veröffentlicht?
Das Lied Rotonda wurde im Jahr 2017, auf dem Album “Rotonda - EP” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score