Siga

Quest (PHL), Gloc-9

Sino ang maton may pusong ‘di mamon
Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
Ako’y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sino’ng magtanong

Dahil ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

Tato sa balat bali itong kagat
Pag ako’y lumapag ay tiklupan lahat
Kay bilis kumaripas walang kaparehas
Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas
Ako lang ang may kalyo may kalyong parang bato
Sa dami ng sinapak ang lahat ay pinakaba ko
Parang yelo sa bulok na ngipin nakakangilo
Pag tinamaan ka sa panga sigurado kang hilo
Ano ba talaga (ano ba talaga)
Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan)
Ang katagang siga (siga siga)
Subukan nating kalagan
Laging kinakatakutan
Sakit sa katawan pag ika’y inabutan
Walang makapalag kahit na may binatukan
Balde ng kamao ika’y pinapaliguan

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

Sa panahon ngayon iba na nilalaman pahina
Basahin mo lumapit ka ‘wag kang bibitaw kumapit ka
Tawagin mong sinungaling parang kabaluktutan na pinilit maibaling
Upang maging deretso baguhin ang palaging
Gamit na panindak kahit walang pahapahaging
Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas
Pakuluin ng lumambot ang butil ng bigas
Sa bawat hibla ng palay tatahakin ang tama kahit na maputik at madulas
Sino ba ang duwag at basag ang mukha hindi sumalag ngunit sa gapos ng buhay pumiglas kinalas
Pagkain para sa pamilya sa hapag nilapag yan ang siga

Sino ang maton may pusong ‘di mamon
Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
Ako’y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sino’ng magtanong

Dahil ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

Kahit ano mang gamit
‘Di mo kayang durugin ‘to
Kahit ano mang galit
‘Di mo kayang takutin ‘to
Kahit takutin sunugin
Ang tapang na dala’y

Matapang pagdating sa kapakanan ng iba
Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba
‘Di pasisindak sa takot at kaba
Gabi-gabi digmaan ng kanyang mga tato
Kahit bugbog sarado hindi magpapatalo
Kapag pinabagsak agad-agad bumabangon
Ipakita ang tikas ilabas ang gilas
Itaas ang bandila ng makabagong siga

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

Ako’y siga ‘di mahina
Ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan
Papalag ng matigas

Ako’y siga ‘di mahina
Pag tumawag sa taas
Kahit sa anong bakbakan
Walang inuurungan

Wissenswertes über das Lied Siga von Gloc-9

Wann wurde das Lied “Siga” von Gloc-9 veröffentlicht?
Das Lied Siga wurde im Jahr 2013, auf dem Album “Liham At Lihim” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Siga” von Gloc-9 komponiert?
Das Lied “Siga” von Gloc-9 wurde von Quest (PHL), Gloc-9 komponiert.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score