Sila [(feat. Loonie & Konflick)]
Siya ay matangkad o pandak payat pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay dalawang paa pero utak talangka

Sila na ang tanging alam ay ang maghusga ng iba
Pero hindi naaamoy ang sariling baho nila
Nagagalit pag may nakikitang iba na masaya
Gumagamit ng kapwa para lang malamangan nila'ng ibang tao kahit na pano
Hindi nanghihinayang ipakita sa mga tao kung gano kagaspang ang ugali sana'y mabali at hindi na pamarisan nang mapigilang dumami tanging palatandaan
Siya ay matangkad o pandak payat pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay dalawang paa pero utak talangka
Panibugho ay karamdaman na wala nang lunas
Kahit anong gawin mo hahanapan ka ng butas
Pati bata ginagago palibhasa kasi bago
Bakit di ka pa magbago alimasag alimango
Itaya mo nang lahat pakilatag pati pato
Para lang makatanggap ng palakpakang masigabo ay kailangan mong ialay laway pawis at dugo
Pero nandyan sila nilamon ng panibugho
Pag ika'y umasenso meron agad magtatangka
Na ika'y pabagsakin gaya ng mga talangka
Kaya naman namamangha ang mga nagbabanta na bumangga sa'king barko tataob ang iyong bangka
Wala ka namang panalo anong mapapala mo
Mabuti pa siguro maghanap ka ng trabaho
Kaysa sa maghusga ka di mo ako kilala
Pero kilala kita isa ka sa kanila
Siya ay matangkad o pandak payat pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay dalawang paa pero utak talangka
Saydang nagkrus ang aming landas sa wakas bukas na ang aming pinto
Muling mamamayagpag at walang makakasugpo
Sa muling pagbangon ay aahon ng panibagong yugto
Ng kabanata ng aming istoryang hindi hihinto
Sa kabilang panig ay nagbabalak na namang maparisan
Sige subukan tignan ewan kung di ka pagpawisan
Sa kakaisip ng panibagong hakbang at galaw
Subalit ang katotohanan ay walang kaagaw
Ang katulad namin na dalubhasang sumulat ng letra
Mga pangungusap kong kailanman'y di mo kayang ikwenta
Sa dami ng gustong umentra sinubukang mapalitan
Ngunit laglagan di makayanan tanggapin ng ilan
Kahit na sino pa yan ay hindi ko sasantuhin
Hindi mo ko palamang kaya wag mo kong babastusin
Kalimutan mong kayang agawin pang aming mga trono
Pagka't laging pambihirang aming kataga't mga tono tara
Siya ay matangkad o pandak payat pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay dalawang paa pero utak talangka
Ang di ko lang maintindihan ay bakit sakin nagalit
Ng may isang taong sakin ay makataong lumapit
Humingi ng tulong ukol sa mga bago niyang awit
Ay marating ang pangarap na kay tagal niyang hinanap
Subukang mo ngang ilagay ang iyong mga paa
Sa kanyang kinatatayuhan wala kang pinag iba
Dahil malamang siya sayo ay nakahihigit pa
Nakayanang niyang umamin kahit nakapikit pa
Siya ay matangkad o pandak payat pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay dalawang paa pero utak talangka
Siya ay matangkad o pandak payat pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay dalawang paa pero utak talangka yeah
Konflick
Loonie yeah
Gloc 9
May sasabihin lang ako