Kamusta ka Hudas

Libo-libo man ang kakilala mo
Ngunit masasabing iilan
Ang makakaramay at makakasama mo
Kapatid halos kayong tingnan

At sa iilang mga kasama mo
Iisa o wala pa ring tunay
Na matatawag mo ngang sadyang kaibigan mo
Karugtong halos ng iyong buhay

Kung may kaibigan ka
Maging matapat sana
Kaibigan kang sadyang wagas

Dahil kung siya'y dadayain
Di ka niya pagpapalain
Ang bati pa sa bandang wakas
Kumusta ka Hudas

Ang kaibigan ay higit pa sa kapatid
Ang kaibigan ay pinili mo
Ang kahalagahan niya'y ikaw ang may batid
Alam mo kung siya'y tapat sa iyo

Kung may kaibigan ka
Maging matapat sana
Kaibigan kang sadyang wagas

Dahil kung siya'y dadayain
Di ka niya pagpapalain
Ang bati pa sa bandang wakas
Kumusta ka Hudas

Ang pagkakanulo ay hindi dumi
Na makukuha sa isang hugas
Masakit kung ang kaibigan ang siyang nang-api
Ang bansag sa nang-api hudas
Bati sayo'y kumusta ka Hudas
Bati sayo'y kumusta ka Hudas

Hudas

Beliebteste Lieder von Hajji Alejandro

Andere Künstler von Pinoy pop