Kahapon

Alam kong tapos na ang kahapon
Ngunit saking puso't isipan ay di nawala
Huling taon ng pagsasama
Nasan na kaya ang bawat isa

Mga sikretong di maitago
Mga magulang di tayo maintindihan
Natutong umibig at may nabigo
Sabay nanumpang sana'y walang magbago

Hanggang doon na lang ba tayo
Sa alaalang maglalaho
Hanggang doon na lamang ba
Hinubog ang mga pangarap
Minulat ang puso at diwa
Patungo sa hamon ng bukas
Ikaw ako tayo
Ay bunga ng kahapon

Ilang taon na ang lumipas
May kapit pa ba ang ating dating samahan
Alam kong kanya-kanya na tayo
Sa araw na 'to muli nating balikan

Hanggang doon na lang ba tayo
Sa alaalang maglalaho
Hanggang doon na lamang ba
Hinubog ang mga pangarap
Minulat ang puso at diwa
Patungo sa hamon ng bukas
Ikaw ako tayo pinagbigkis
Ikaw ako tayo pinagtagpo
Ikaw ako tayo ay bunga ng kahapon
Gusto kong balikan kahapong nagdaan
Kaysarap balikan muling maramdaman
Hanggang doon na lang ba tayo (gusto kong balikan)
Sa alaalang maglalaho (kahapong nagdaan)
Hanggang doon na lamang ba (kaysarap balikan)
Hinubog ang mga pangarap (gusto kong balikan)
Minulat ang puso at diwa (kahapon nagdaan)
Patungo sa hamon ng bukas (kaysarap balikan)
Gusto kong balikan kahapong nagdaan
Kaysarap balikan muling maramdaman

Beliebteste Lieder von Johnoy Danao

Andere Künstler von Film score