Pasko, Pasko

Johnoy Danao

Nandito ka na naman
Ang aga yata ng yong dating
Isang taon na pala
Ang nagdaan

Handa ka na bang pakinggang muli
Ang sari-saring mga hiling
Mga panalangin na
Sana'y pagbigyan

Pasko, Pasko
Pasado ba ako sa yo
Naging mabuti ba akong tao
Dito sa mundo
Pasko, Pasko
Sakay-sakay mo ba'ng minamahal ko
Ang makapiling siya'y
Yan ang aking gusto

Huwag kang masyadong malamig
Isipin mong may nag-iisa
Hanapan mo kaya sila ng kayakap
Ipaalala mo lagi pag-ibig ang yong minimithi
Palaganapin natin ang saya atin to

Pasko, Pasko
Pasado ba ako sa yo
Naging mabuti ba akong tao
Dito sa mundo
Pasko, Pasko
Sakay-sakay mo ba'ng minamahal ko
Ang makapiling siya'y
Yan ang aking gusto

Pasko, Pasko
Salamat sa salu-salo
Nagkamustahan, nagkayakapan
Di bale walang matanggap na aginaldo
Pasko, Pasko
Araw-arawin mo na kaya dito

Beliebteste Lieder von Johnoy Danao

Andere Künstler von Film score