Baby
Ano pang hihilingin kung palaging nandyan ka
‘Di ko kayang tantyahin 'tong aking nadarama
‘Di na baleng ismolin basta pag-ibig na
'La kong iindahin para sa ‘yo 'y tatawirin
Kahit na wala sa plano
Magulo na buhay ko ay naitono
Sa bawat yakap ay parang paraisong tinataglay
Na nakamtan buhat nung ikaw ay mapasa’kin
Wala nang ibang hangarin
Kapiling ka't lagi piliin
Oh, baby
Ang laki ng pasalamat ko
Na matuwid mo ang landas ko na dating liko
Kung dati ‘di ako nangarap
Tinatamasa ko na ngayon ang alapaap
Na kasama ka mula pagkadapa
Umahon, bumangon, tumila ang ulan
Pagkatapos mabasag ay pinatibay ng panahon
Para daw akin na mapasimulang magbago
‘Di na gago ‘tong dating sanggano
Pati pato na inalay pag-ibig ko na tunay
Kung sabagay binigay din sa ‘kin ang panalo
Mapahabang buhay hanggang maging lola at lolo
Tayong dalawa ay imahe na makulay
May tulay na matibay at healthy parang gulay
Sadyang ‘di ko na makita ang sarili ko
Na ‘di kita kasama sa 'king bawat yugto
Pagmamahal ko ikaw lang ang kasalo
Malapit man o malayo
Pasensya presensya'y nasa ’yo
Ano pang hihilingin kung palaging nandyan ka
‘Di ko kayang tantyahin 'tong aking nadarama
‘Di na baleng ismolin basta pag-ibig na
'La kong iindahin para sa ‘yo 'y tatawirin
Gano’n pala talaga
Wala 'kong dahilan ba't mahal kita
Ikaw yung dumating, pero ‘di ka hinintay
‘Di ko hiniling, pero kusang binigay, yo
Sarap lang makuntento
Mahalin ka't may respeto
Ano man ang kwento mo dito
Ay ‘di ako malilitong piliin ka
Oh baby
Masaya ako sa piling mo
‘Di mo na kailangan magtampo
Aalagaan at iingatan ka
Asahan mo hanggang dulo ay kaya ko ipanalo
Basta ako bahala, ‘wag kang mangamba
Tala kang kinilala
Nakatsamba na mapana ang dalaga ni kupido
Asintadong tumama sa puso niyang mamon
Akin na ngayon tila pangarap ko noon
Basta iba ka o kahit sino pa
Ang nasa harapan 'kaw lamang talaga
At manatili ka lang ay papatunayan ko
Sadyang ‘di ko na makita ang sarili ko
Na ‘di kita kasama sa 'king bawat yugto
Pagmamahal ko ikaw lang ang kasalo
Malapit man o malayo
Pasensya presensya'y nasa ‘yo
Ano pang hihilingin kung palaging nandyan ka
‘Di ko kayang tantyahin 'tong aking nadarama
‘Di na baleng ismolin basta pag-ibig na
'La kong iindahin para sa ‘yo 'y tatawirin
Oh baby, oh baby, oh baby, baby baby
Oh baby, oh baby, oh baby, baby baby