T.A.B.

Jomari De Villa, Archie Malate (FRNCHZ)

Pakape-kape sa sala
Habang ang utak ay bukas at mapayapa
Sariwang hangin ay humahalik
Kinalimutan ang pait
Tinatamasa ang tamis na pumalit
Habang nakapikit lamang
Ang sarap palang mabuhay na
Walang bigat at malaking harang

Tuloy ang byahe lamang
Kay ganda ng kapaligiran
Ba't ‘di mo pagmasdan
Lungkot mo'y wala nang dahilan
Tuloy ang byahe lamang
Kay ganda ng kapaligiran
Tuloy ang byahe lamang

Kasama ang pamilya katugon ng saya
Walang palya man ang problema natural tao ka
Basta gawin mo lang ay ‘wag na ‘wag kang hihinto
‘Di bale na magpahinga't mabagal
‘Wag lang liliko oohh
Simplehan mo lang ‘yan
Ikaw lang ang magmamaneho ng 'yong kapalaran
‘Di mo kailangan na magmadali
Mas matamis do’n ang wagi

Tuloy ang byahe lamang
Kay ganda ng kapaligiran
Ba't ‘di mo pagmasdan
Lungkot mo'y wala nang dahilan
Tuloy ang byahe lamang
Kay ganda ng kapaligiran
Tuloy ang byahe lamang

Iisa lang ang buhay
Kaya matuto ka na ngumiti
‘Wag magsayang ng sandali
Piliin mong maging tunay
Para maganda lagi ang sukli
Magbunga ang mga binhi
Yow!

Tuloy ang byahe lamang
Kay ganda ng kapaligiran
Ba't ‘di mo pagmasdan
Lungkot mo'y wala nang dahilan
Tuloy ang byahe lamang
Kay ganda ng kapaligiran
Tuloy ang byahe lamang

Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh
Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh oohh oohh
Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh
Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh

Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh (kay ganda ng kapaligiran)
Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh (lungkot mo’y wala nang dahilan)
Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh (kay ganda ng kapaligiran)
Tuloy ang byahe
Tuloy ang byahe oohh oohh oohh

Beliebteste Lieder von Jomari

Andere Künstler von Pop rock