Kahit Gano'n Pa Man
Maglalaho pa ba ang sakit
Ng kahapong 'di na maibabalik
Pangalan mo sa puso ay nakaukit
Sing lalim ng sugat na iyong iginuhit
Ngunit panahon lang ang makakaalam
Kung kailan maghihilom ang pusong sugatan
Kahit ganon pa man pag-ibig sayoy ipaglalaban
Ilang beses pang masaktan di magagawang ikaw ay bitawan
Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo
Lahat matitiis pagkat ikaw ang minamahal ko
Kahit ganon pa man
Mahirap man limutin
Pagkakamali mo'y aking patatawarin
Ngunit panahon lang ang makakaalam
Kung kailan maghihilom ang pusong sugatan
Kahit ganon pa man pag-ibig sayoy ipaglalaban
Ilang beses pang masaktan di magagawang ikaw ay bitawan
Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo
Lahat matitiis pagkat ikaw ang minamahal ko
Kahit ganon pa man
Kahit ganon pa man
Kahit na ganon pa man pag-ibig sayo'y ipaglalaban