Sa Tabi Ko [Original soundtrack from "Stories from the Heart" theme]
Huwag mo sanang kalimutan
Mga sinabi ko sa iyo
Hinding-hindi kita iiwan
Kasama mo ako ano mang laban
Nakikita ko ang bawat luhang
Pumapatak sa'yong mukha
Naririnig ko ang mga problemang
Iyong pinagdaraanan
Huwag nang mag-alala
Huwag nang mangangamba
Nandito na ako sa tabi mo
Pupunasan ko ang bawat luha mo
Ligtas ka dito sa tabi ko
Sabihin mong laman ng puso
Makikinig ako makikinig ako
Tutulungan kang buhatin
Bigat na 'yong dinadala sa damdamin
Nakikita ko ang bawat luhang
Pumapatak sa'yong mukha
Naririnig ko ang mga problemang
Iyong pinagdaraanan
Huwag nang mag-alala
Huwag nang mangangamba
Nandito na ako sa tabi mo
Pupunasan ko ang bawat luha mo
Ligtas ka dito sa tabi ko
Kahit kailan o kahit saan
Pangako'y 'di magbabago
Sandal ka lang at magtiwala
Pangako'y 'di magbabago oh oh oh
Huwag nang mag-alala
Huwag nang mangangamba
Nandito na ako sa tabi mo
Pupunasan ko ang bawat luha mo
Ligtas ka dito sa tabi ko
Hmm